Mas malaking delegasyon ng Pilipinas sa 2020 Olympics nais ng bagong Olympics chef de mission

By Rhommel Balasbas August 14, 2019 - 01:18 AM

AP Photo

Nais ng bagong talagang Olympics chef de mission na si Mariano “Nonong’’ Araneta na mas maraming atletang Filipino ang magdala ng bandila ng bansa sa  2020 Tokyo Olympics.

Sa pahayag araw ng Martes, sinabi ni Araneta na maliit na lang lagi ang delegasyon ng Pilipinas sa Olympics at gagawin niya ang lahat para maparami ang atletang Pinoy na isasali sa palaro.

Noong 2016 Rio De Janeiro Olympics, 13 atleta lang sa walong sport events ang naipadala ng Pilipinas.

Muntik nang manalo ng ginto ang weightlifter at silver medalist na si Hidilyn Diaz.

Limang bagong sports ang isasali sa 2020 Summer Games sa Tokyo at ito ay ang: skateboarding, karatedo, sports climbing, surfing at baseball o softball.

Balik din sa Olympics ang golf at at rugby sevens.

Iginiit ni Araneta na maraming magagaling na Filipino athletes sa skateboarding, karatedo at surfing maliban sa traditional sports na laging nakakapasok ang Pilipinas.

Si Araneta ay matagal nang presidente ng Philippine Football Federation at miyembro ito ng FIFA Council, ang world governing body para sa football.

TAGS: 2020 Tokyo Olympics, Mariano “Nonong’’ Araneta, Olympics chef de mission, 2020 Tokyo Olympics, Mariano “Nonong’’ Araneta, Olympics chef de mission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.