Albay, isinailalim na rin sa state of calamity dahil sa dengue

By Clarize Austria, Rhommel Balasbas August 14, 2019 - 12:25 AM

Nagdeklara na ng state of calamity ang buong lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng dengue.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Provincial Health Office ng Albay, mula January 1 hanggang August 7, umabot sa 3,055 dengue cases ang naitala kung saan 12 na katao ang nasawi.

Mas mataas ito ng pitong beses sa 455 dengue cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2018 kung saan apat ang namatay.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr Antonio Ludovice Jr., pinakamarami ang kaso ng dengue sa mga bayan ng Daraga, Tiwi at Pioduran.

Bago ang province-wide declaration, una nang nagdeklara ng state of calamity ang Daraga.

Humingi na ng P2 milyong pisong pondo ang Provincial Health Office para sa pagbili ng dengue kits at mga gamit sa pagsugpo sa dengue-carrying mosquitoes.

Ang Albay ang ika-25 local government unit na nagdeklara ng state of calamity dahil sa dengue.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, umabot na sa 167,606 dengue cases ang naitala simula January 1 hanggang July 27 kung saan 720 katao na nasawi.

TAGS: Albay Province, Dengue, national epidemic, State of Calamity, Albay Province, Dengue, national epidemic, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.