Leyte, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

By Clarize Austria August 14, 2019 - 12:19 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lungsod ng Ormoc sa lalawigan ng Leyte alas-7:00 ng gabi ng Martes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 12 kilometro Hilagang-Silangan ng Ormoc City.

May lalim itong limang kilomtero at tectonic ang pinagmulan.

Intensity IV ang naitala sa Ormoc City at Albuerra, Leyte.

Walang naitalang pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

TAGS: leyte, magnitude 4.1, ormoc, PHIVOLCS-DOST, Tectonic earthquake, leyte, magnitude 4.1, ormoc, PHIVOLCS-DOST, Tectonic earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.