8484 text hotline, inilunsad ng BOC

By Angellic Jordan August 13, 2019 - 10:37 PM SHARE(S):

Inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang text hotline na 8484.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng ahensya na sa nasabing numero direktang mai-report ng publiko ang sinumang opisyal at empleyado ng BOC na sangkot sa ilegal na aktibidad.

maaring makapagpadala ng mensahe ang publiko kasama ang kumpletong detalye.

Kasama rin dito ang mga broker, importer at fixer na posibleng sangkot sa smuggline, bribery at ilegal na droga.

Dagdag ng ahensya, layong nitong mabigyan ng mas madaling paraang ang publiko para iparating ang kanilang mga reklamo ng walang takot at pangamba.

Makatutulong din anila ito para malabanan ang korupsyon sa kanilang hanay.

Magiging operational ang 8484 hotline nang 24/7 para sa mga subscriber ng Globe at TM.

TAGS: 8484 text hotline, BOC, korupsyon, 8484 text hotline, BOC, korupsyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.