Palasyo sa commuters na naiipit sa trapik, pinayuhang magtiis muna at bigyan ng tsansa ang MMDA
“Magtiis muna kayo.”
Ito ang naging pakiusap ng Palasyo ng Malakanyang sa mga commuter na apektado ng matinding trapik sa EDSA bunsod ng ipinatupad na provincial bus ban at yellow bus lane.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dapat bigyan muna ng tsansa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na makapag-eksperemento para solusyunan ang trapik sa EDSA.
Ayon kay Panelo, bukas ang pamahalaan sa mga suhestyon para maresolba ang trapik sa edsa.
Maari aniyang ipadala ang suhestyon direkta sa MMDA, Office of the President o sa tanggapan ni Panelo.
Isa sa mga suhestyon ni Panelo para maibsan ang trapik ay gawing 24 hours ang trabaho sa mga tanggapan o ilipat sa labas ng Metro Manila ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.