LOOK: Mga armas, droga, at suspek sa ‘clean Baseco campaign’ sa Maynila, iprinisinta sa media

By Clarize Austria August 13, 2019 - 10:15 PM

Ipinakita ng Manila Police District (MPD) at ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nakumpisang armas, droga, at nahuling suspek sa Baseco nitong nakaraang linggo.

Kasunod ito ng pinaigting na ‘Clean Baseco’ campaign upang linisin ang nasabing lugar.

Ayon kay Moreno, ang mga nadakip at nakuhang kontrabando ay testimonya na kayang supilin ng gobyerno ang maanomalyang gawain sa Baseco.

Nahuli ng MPD ang 70 kataong nagpasaway sa city ordinances, isang wanted person at isa na hinainan ng search warrant habang apat ang naaresto sa pagdadala ng ilegal na baril.

Iprinisinta rin ang nasa 63 piraso ng iba’t ibang kalibre ng baril, 159 na bala at apat na magkakaibang klase ng granada.

Nadakip din ang 37 katao na sangkot sa ilegal na droga kung saan nakuhanan pa ng 50.85 grams ng hinihinalang shabu.

Bukod sa mga ito, nakumpiska rin ang ilang makina pangsugal gaya ng siyam na video kareka at anim na fruit game.

Matatandaang hinamon ni Moreno ang pulisya na sugpuin ang ilegal na droga at krimen sa Baseco noong August 1.

TAGS: baseco compound, baseco compound

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.