Murang Kuryente Act pirmado na ni Duterte

By Chona Yu August 13, 2019 - 05:16 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11371 o “Murang Kuryente Act”.

Layunin ng bagong batas na mabawasan ang singil sa kuryente sa pamamagitan ng paglalaan ng pamahalaan ng net government share mula sa Malampaya fund upang ipambayad sa utang ng National Power Corporation na ikinakarga sa buwanang electric bill ng mga consumer.

Gagamitin ang P208 Billion Malampaya fund para sa pagbabayad sa stranded contract costs at stranded debt ng Napocor.

Ang stranded contract costs ay ang contracted cost of electricity ng Napocor sa independent power producer habang ang stranded debts naman ay ang hindi nabayaran na financial obligations nang isapribado ang Napocor assets.

Tinatayang aabot sa halos P200 ang mababawas sa buwanang bill ng mga consumer na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour.

Gagamitin din ang pondo para sa pagpopondo sa exploration, development at exploitation ng iba pang energy resources.

Tinatayang aabot sa 16 milyong household ang makikinabang sa bagong batas.

Noong August 8 nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas subalit ngayon lamang inilabas ang naturang dokumento.

TAGS: BUsiness, duterte, meralco, murang kuryente, panelo, BUsiness, duterte, meralco, murang kuryente, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.