Thanksgiving Procession ng Nazareno sa Disyembre 31 na

By Ruel Perez December 29, 2015 - 12:22 PM

Photo by: Nino Jesus Orbeta of Philippine Daily Inquirer
Photo by: Nino Jesus Orbeta of Philippine Daily Inquirer

Inilatag na ng Plaza Miranda Police Community Precint ang pagbabago sa tradisyunal na Thanksgiving Procession ng Black Nazarene na gagawin sa katapusan ng Disyembre, imbes sa nakagawian na tuwing New Year o January 01.

Nasa 220 na mga pulis din ang ipakakalat na kinabibilangan ng buong puwersa ng Manila Police District o MPD Police Station-3, MPD-SWAT, Special Reaction Unit o SRU at MPD-DPSB upang pangalagaan ang kapaligiran ng Quiapo. Nauna rito, ipinalabas ni Monsignor Hernando Coronel ang pagbabago sa paglabas ng Black Nazarene sa simbahan ng Quiapo.

Gaganapin na ito sa Disyembre 31 (Huwebes), alas-kuwatro ng madaling araw sa halip na Enero a-uno ng madaling araw upang makapaghanda umano ang mga motorista at negosyante.

Sa bagong ruta ng Thanksgiving Procession, mula sa Simbahan ng Quiapo ay kakanan ng Evangelista St., kanan ng C. M. Recto patungong Loyola, kanan ng Bilibid Viejo hanggang Gonzalo Puyat pakaliwa ng Z.P. de Guzman, kaliwa ng Hidalgo St., kanan ng Quezon Blvd pakaliwa ng C. M. Recto patungong Quezon Blvd. hanggang sa makapasok muli sa simbahan.

Inaasahan naman na maapektuhan dito ang mga sidewalk vendor at parking maging ang mga motorista.

 

TAGS: Black Nazarene, Quiapo Church, Black Nazarene, Quiapo Church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.