MMDA pinagtulungan ng mga senador sa dahil sa provincial bus ban
Lumikha ng matinding interes sa hanay ng mga senador ang kalbaryong naranasan ng mga motorista at pasahero na bumibiyahe sa EDSA noong nakaraang linggo.
Maraming senador ang dumalo sa ipinatawag na hearing ni Sen. Grace Poe, ang namumuno sa Committee on Public Services, ukol sa pagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makapasok sa Metro Manila ang mga bus na galing sa mga probinsiya.
Si Senate President Vicente Sotto III tinalakay ang kahalagahan ng disiplina para sa mga driver.
Si Sen. Christopher Go ay nagpahayag ng panghihinayang sa bilyong bilyong piso kada araw na nawawala dahil sa traffic.
Para naman kay Sen. Sherwin Gatchalian sinabi nito na napakahalaga na ipaunawa sa taumbayan ang mga plano na sila ang lubos na maapektuhan.
Kapansin-pansin naman ang pagka inis ni Poe sa hindi pagdalo ni MMDA Chairman Danny Lim sa Senate hearing dahil sa isang MOA signing.
Ilang mga lokal na opisyal mula sa mga lalawigan ang nagpahayag ng kanilang posisyon ukol sa provincial bus ban.
Sinabi nina Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at Sta. Rosa, Laguna Mayor Arlene Arcillas na kulang sa paghahanda ang mga inilagay na interim terminal sa kanilang mga lungsod.
Si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte idiniin ang epekto sa kanilang mga taga-Bicol ng provincial bus ban at inihirit nito.
Inamin ni MMDA Gen. Manager Jojo Garcia na sa paghahanap nila ng solusyon para maibsan ang traffic sa Metro Manila kailangan nilang mag-eksperimento.
Aniya ang mga pasahero ang pangunahin nilang iniisip sa paghihigpit nila sa yellow bus lane.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.