Panukala para taasan ang buwis sa inuming nakalalasing pasado na sa komite sa Kamara
Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na nagtataas sa excise tax rates ng mga alcoholic drinks sa bansa.
Sa botong 43 na YES at 0 na NO lumusot ang House Bill 1026.
Nakasaad sa ipinasang panukala na itaas sa P6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga alcoholic drinks, kumpara sa kung ano ang ipinapatupad sa ilalim ng Republic Act 10351 o ang Excise Tax reform Law on Tobacco and Alcohol.
Naging mabilis ang pagpasa sa komite ng panukala matapos nilang ang Rule 10 Section 48 ng House Rule kung saan nakasaad na ang naaprubahang panukala sa ikatlong pagbasa noong 17th Congress ay isang hearing na lamamg ang kailangan para maiakyat sa plenaryo.
Kapag naging ganap na batas magkakaroon ng ad valorem rate na 22 percent kabilang na ang specific tax rates per proof liter ng P30, P35, P40, P45.
Sa kasalukuyang RA 10351 ang mga alak ay mayroong P22.40 specific tax at ad valorem tax na 20 percent.
Inaprubahan din ang P650 unitary rate para sa mga sparkling wines.
Samantala, tinaas naman sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines, habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14 percent ay may P4.10 na pagtaas.
Ang inaprubahang tax rate naman para sa fermented liquors ay tinaas sa P2.60.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.