Liam Hemsworth nagsalita na sa hiwalayan nila ni Miley Cyrus

By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2019 - 01:02 PM SHARE(S):

Ilang araw matapos mapabalita ang hiwalayan nila ng singer na si Miley Cyrus, binasag na ng aktor na si Liam Hemsworth ang kaniyang katahimikan.

Sa kaniyang Instagram, kinumpirma ni Liam ang paghihiwalay nila ng asawa wala pang isang taon matapos silang ikasal.

Sinabi ng aktor na hiling niya ang mabuting kalusugan at kaligayahan para kay Miley.

Dagdag pa ni Liam, isang pribadong isyu an tungkol sa kanilang hiwalayan at hindi na sa sasagot pa o magbibigay komento sa mga katanungan ng media.

Sa naging pahayag ng kampo ni Miley noong Linggo, sinabi nitong nagpasya sila ni Liam na maghiwalay at ito ang makabubuti sa kanilang dalawa.

TAGS: liam hemsworth, Miley Cyrus, Radyo Inquirer, liam hemsworth, Miley Cyrus, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.