Pangulong Duterte hindi tutol sa hirit ni Sen. De Lima na mabisita ang may sakit na ina

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na harangin ang hirit ni Senador Leila De Lima na makalabas ng kulungan sa PNP-Custodial Center para mabisita ang ina na may sakit.

Ayon kay Senador Bong Go, kung papayagan ng korte si De Lima, hindi na tututol si Pangulong Duterte.

Base sa apela ni De Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court, nais nitong makalabas ng kulungan para makapunta sa ospital sa Iriga, Camarines Sur para mabisita ang ina.

Dinala sa pagamutan ang ina ni De Lima dahil sa karamdaman nito.

Maging ang prosekusyon ay hindi na rin tumutol sa nasabing hirit ni De Lima.

Read more...