Pagtaas ng singil sa ATM transactions pinaiimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon August 13, 2019 - 12:45 PM

Nais silipin ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang pinangangambahang pagtaas ng ATM fees sa 50%.

Base sa House Resolution 210 na inihain ni Makati Rep. Luis Campos, inaatasan nito ang komite na imbestigahan ang posibleng pagtaas ng singil sa interbank withdrawal at balance inquiry sa mga ATM machines.

Tiyak aniyang maaapektuhan dito ang nasa 58 Million ATM cardholders lalo na ang nasa 4.1 million na minimum wage earners na mga Pilipino.

Kung maipapatupad ang gusto ng mga bangko na 50% charge sa bawat transaction, ang dating P10 hanggang P15 na single interbank withdrawal transaction ay aakyat na sa P15 hanggang P30.

Layunin nitong protektahan ang karapatan ng mga ATM users.

Giit ni Campos, minsan ay sa pinakamalapit na ATM machine na nagsasagawa ng kanilang bank transaction ang publiko kahit hindi ito ang kanilang bangko.

Ang resolusyon ay kasunod ng BSP Memorandum noong July 19, 2019 na nagaalis sa moratorium ng dagdag na singil sa mga ATM Fees.

TAGS: ATM transactions, Bank Fees, transaction fees, ATM transactions, Bank Fees, transaction fees

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.