Terminal ng Jam Liner sa EDSA nakitaan ng mga paglabag
Patung-patong na paglabag ang nakita ng Quezon City Council Transportation Committee sa terminal ng Jam Liner sa Kamuning-EDSA sa ginawa nilang inspeksyon.
Ayon kay Councilor Winston Castelo, masyadong maliit ang terminal ng Jam, at masikip at entrance at exit nito habang malaking abala rin sa daloy ng trapiko kapag lumalabas ang kanilang mga bus.
Ang napansin pa ni Castelo, maliban sa mga bus ng jam, nagte-terminal din sa lugar ang City Bus na PH Tourist na biyaheng Navotas.
Sinilip rin ng mga konsehal ang maduming CR ng terminal, wala ring nakitang bomb snipping dog na para sa seguridad ng mga pasahero.
Dahil dito ipapatawag ng konseho ang pamunuan ng Jam para pagpaliwanagin.
Ayon kay Castelo kahit na may umiiral na injuction na nagpipigil sa pagsara ng mga probinsyal bus terminal sa EDSA dapat ay sumunod sila sa mga alituntunin at ayusin ang kanilang pasilidad.
Irerekomenda nila sa konseho na bawiin ang permit ng Jam para hindi na ito makapag-operate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.