Hong Kong Airport balik-operasyon na makaraang lusubin ng mga raliyista

By Jimmy Tamayo August 13, 2019 - 12:34 PM SHARE(S):

Bumalik na ang biyahe papasok at palabas ng Hongkong International Airport kasunod ng pagkakaantala ng operasyon nito makaraang sugurin ng ilang mga protester.

Sa inilabas na impormasyon ng nasabing paliparan, sinimulan na ang check-in sa mga pasaherong paalis at may ilang mga eroplano ang nakatakdang lumipad.

Nasa limang libong anti-extradition bill protesters ang sumugod sa airport kahapon dahilan para matigil ang operasyon ng paliparan.

May ilang mga nagpoprotesta ang nanatili sa airport at nagkalat pa rin ang mga posters na ikinabit nito sa mga terminals.

TAGS: cancelled flights, Hong Airport, protest rallies, cancelled flights, Hong Airport, protest rallies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.