Mga lalawigan sa Northern Luzon inuulan pa rin dahil sa Habagat
By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2019 - 11:41 AM
Nakararanas ng pag-ulan dulot ng Habagat ang mga lalawigan sa Northern Luzon.
Sa rainfall advisory ng PAGASA na inilabas alas 11:00 ng umaga ng Martes (Aug. 13), moderate hanggang heavy rains ang nararanasan sa sumusunod na lugar:
Kalinga (Lubuagan, Pasil)
Mt. Province (maliban sa Barlig, Natonin, Paracelis)
Apayao (Calanasan)
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nasabing mga lugar lalo na ang mga nakatira sa mga bulubunduking lugar na maging maingat sa posibleng landslides, mudslides at rock slides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.