Libu-libong costumers ng Manila Water sa 3 barangay sa QC mawawalan ng suplay ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2019 - 11:24 AM SHARE(S):

Tinatayang aabot sa 20,000 costumers ng Manila Water sa Quezon City ang mawawalan ng suplay ng tubig sa susunod na mga araw.

Ito ay dahil sa power supply transfer activity na isasagawa ng Manila Water sa kanilang Luzon Water Treatment Plant.

Magaganap ang aktibidad sa pagitan ng gabi ng August 13 hanggang umaga ng August 15.

Maaapektuhan nito ang mga residente sa Barangays Holy Spirit, Pasong Tamo, ay Sauyo.

Magaganap ang service interruption araw-araw mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga mula Aust. 13 hanggang 15.

Pinayuhan ng Manila Water na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin sa panahon ng water interruption.

TAGS: manila water, quezon city, Radyo Inquirer, water interruptions, manila water, quezon city, Radyo Inquirer, water interruptions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.