MMDA Chairman Lim ‘no show’ sa senate hearing kaugnay sa EDSA traffic
Pinuna ni Senator Grace po ang hindi pagsipot ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa pagdinig ng senado kaugnay sa traffic sa EDSA.
Sinabi ni Poe na nagpasabi si Lim na dadalo siya sa pagdinig ng kaniyang komite pero hindi ito sumipot.
Ani Poe, napapaisip tuloy siya kung talaga bang seryoso si Lim na matugunan ang problema sa traffic sa Metro Manila partikular sa EDSA.
Katwiran naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, kasama nila Martes ng umaga si Lim pero kinailangan nitong lumiban sa pagdinig dahil may pupuntahan itong MOA signing.
Tila naman hindi tinanggap ni Poe ang paliwanag.
Ayon kay Poe, madali lamang naman pumirma o dumalo sa MOA signing at maari pa ring sumipot sa pagdining si Lim pagkatapos nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.