DILG nagbabala: Pagtanggap ng regalo bilang pabor, labag sa batas at sinumpaang tungkulin
Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga pulis na ang pagtanggap ng regalo ay maaring paglabag sa kanilang sinumpaang tungkulin at paglabag din sa batas.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, bagaman may nakasaad sa batas na ‘exception’ dapat alalahanin ng mga tauhan ng gobyerno na lalo na ang mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) na ang kanilang serbisyo ay sapat naman nang nababayaran.
Aniya ang buwis ng taumbayan ang ibinabayad sa mga tauhan ng pamahalaan.
Dahil dito ayon kay Año, maaring mapanagot sa kasong kriminal hindi lamang ang mga pulis kundi maging ang mga empleyado ng DILG na tatanggap ng regalo o pera habang ginagampanan ang tungkulin.
Magugunitang nabanggit ni Pangulong Duterte na OK lang tumanggap ng regalo ang mga pulis.
Ayon kay Año, ang regalo na may kapalit na anumang pabor ay maaring ‘suhol’ na at paglabag na ito sa batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.