Pagbibigay ng dagdag na prangkisa sa mga taxi sa Baguio City ipinahihinto sa LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2019 - 10:24 AM

Hiniling ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kay Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III na i-withdraw ang memorandum nito na nag-uutos ng pagbibigay ng dagdag na prangkisa sa mga taxi sa lungsod.

Sinabi ni Magalong, ang dagdag na prangkisa sa taxi sa Baguio ay makapagpapalala pa sa sitwasyon ng traffic sa lungsod.

Sa kaniyang liham kay Delgra, sinabi ni Magalong na malaking problema ngayon ang matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa Bagiio City.

Ang pagdami aniya ng mga sasakyan ang pangunahing dahilan ng problema sa traffic kaya kung madaragdagan pa ang bumibiyaheng taxi ay lalong lalala ang sitwasyon.

Dismayado din si Magalong sa kabiguan ng LFTRB na konsultahin muna ang LGU bago ilabas ang memorandum order na nagbubukas ng bagong prangkisa para sa mga taxi.

Bagaman nasa kapangyarihan aniya ng ahensya ang pagpapalabas ng panibagong prangkisa, ay ang lokal na pamahalaan naman ang namamahala sa traffic sa nasasakupan nitong lugar.

TAGS: baguio city, ltfrb, taxi franchise, traffic, baguio city, ltfrb, taxi franchise, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.