WATCH: Posibilidad ng nationwide martial law pinawi ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2019 - 09:58 AM

Pinawi ng Philippine National Police (PNP) ang pangamba ng ilang mga grupo na magdeklara na rin ng martial law sa Luzon o sa buong bansa dahil sa sinasabing banta ng ISIS sa Northern Luzon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, sa ngayon wala pang nakikitang sapat na basehan ang PNP para magdeklara ng nationwide martial law.

Sinabi ni Banac na bagaman may banta ng terorismo mula sa ISIS ay maituturing pa itong confined sa Sulu at gumagawa ang PNP at AFP ng pamamaraan para hindi ito mag-spill over sa Luzon at Visayas.

Sa ngayon sinabi ni Banac na mahigpit pa ring ipinatutupad ang seguridad sa Mindanao.

At kasabay nito ang pagpapanatili ng police presence sa Visayas at Luzon upang mapigilan ang anumang bantang pag-atake.

TAGS: ISIS, Mindanao, Nationwide Martial Law, northern luzon, PNP, Sulu, ISIS, Mindanao, Nationwide Martial Law, northern luzon, PNP, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.