WATCH: Sa kabila ng sinasabing banta ng ISIS sa mga simbahan sa Northern Luzon, publiko pinakakalma ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2019 - 09:49 AM

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nakaalerto ang pambansang pulisya sa banta ng international terror group na ISIS.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac na existing naman na ang banta ng ISIS at isa na itong global problem.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Banac na sa ngayon ay patuloy ang beripikasyon sa mga ulat na tinatarget ng ISIS ang mga simbahan sa Northern Luzon.

Ani Banac, walang dapat na ikabahala ang publiko at maaring magpatuloy sa kanialng pang-araw araw na pamumuhay at aktibidad.

Sa kabila nito, mas mainam ayon kay Banac na maging mapagmatyag ang publiko at agad makipag-ugnayan sa pulisya kapag mayroon silang nakikitang kahina-hinalang bagay o indibidwal.

TAGS: Churches, ISIS, northern luzon, PNP, terror threat, Churches, ISIS, northern luzon, PNP, terror threat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.