Illegal recruitment sa mga Chinese pina-aksyunan na sa Bureau of Immigration
Ipinauubaya na ng Malakamyang sa Bureau of Immigration (BI) ang pagtugon sa ulat na tumataas ang illegal recruitment sa mga Chinese para magtarbaho sa Philippine Offline Gaming Operation o POGO.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, na sa ngayon wala pa namang natatanggap na formal complaint ang pamahalaan kaugnay sa mga Chinese na biktima ng illegal recruitment.
Dapat aniyang tiyakin ng BI na mahigpit na ipatutupad ang immigration laws lalo na sa mga overstaying na Chinese.
Una rito kinondena ng palasyo ang pagkahulog sa gusali at pagkamatay ng isang Chinese na umano’y tumakas sa kanyang employer.
Ayon kay Panelo inatasan na ni Pangulong Duterte ang PNP na tutukan ang kaso at tugisin ang employer ng Chinese.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.