Maraming flights mula at patungong Hong Kong kanselado pa rin; Cebu Pacific inabisuhan ang mga pasahero na i-reschedule ang kanilang biyahe
Marami pa ring biyahe ng eroplano na patungo at mula sa Hong Kong ang kanselado ngayong araw ng Martes, Aug. 13.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na public protest sa Hong Kong Airport.
Narito ang listahan ng mga kanseladong biyahe base sa inilabas na update ng Manila International Airport Authority (MIAA):
Terminal 2
PHILIPPINE AIRLINES
• PR 313 (Hong Kong – Manila)
Terminal 3
CATHAY PACIFIC:
- CX 901 (Hong Kong-Manila)
- CX 930 (Hong Kong-Manila)
- CX 939 (Hong Kong-Manila)
- CX 976 (Manila-Hongkong)
- CX 919 (Hong Kong-Manila)
- CX 935 (Hong Kong-Manila)
Ang Cebu Pacific nagpa-abiso na sa kanilang mga pasahero na kung mayroon silang flights mula ngayong araw hanggang sa August 15 ay mas mabuting ipagbaliban na lamang ito.
Maari umanong ipa-reschedule na lamang ang flights.
Sinabi ng Cebu Pacific na bagaman maari na silang mag-operate patungo at mula Hong Kong ay hindi pa rin maiiwasan ang pagkakaroon ng delay at kanseladong mga biyahe dahil sa sitwasyon.
Samantala, maging ang Hong Kong Airlines ay naglabas na rin ng listahan ng kanilang mga kanseladong biyahe ngayong araw mula at patungong Hong Kong.
Narito ang mga biyahe ng Hong Kong Airlines ngayong araw na kinansela:
• HX146 Fuzhou to Hong Kong
• HX221 Nanjing to Hong Kong
• HX762 Bangkok to Hong Kong
• HX647 Incheon, Seoul to Hong Kong
• HX539 Ho Chi Minh City to Hong Kong
• HX331 Beijing to Hong Kong
• HX708 Bali to Hong Kong
• HX780 Bangkok to Hong Kong
• HX782 Manila to Hong Kong
• HX6353 Guiyang to Hong Kong
• HX235 Shanghai, Pudong to Hong Kong
• HX305 Beijing to Hong Kong
• HX453 Chengdu to Hong Kong
• HX285 Taipei to Hong Kong
• HX363 Tianjin to Hong Kong
• HX499 Chongqing to Hong Kong
• HX129 Hangzhou to Hong Kong
• HX231 Shanghai, Pudong to Hong Kong
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.