Malakanyang: Huwag nang palakihin ang isyu ng pagtanggap ng regalo

By Chona Yu August 13, 2019 - 04:56 AM

Umaapela ang palasyo ng malakanyang sa mga kritiko na huwag nang palakihin ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na okay lang na tumanggap ng regalo ang mga pulis.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, malinaw naman kasi ang paliwanag ng pangulo na maaari lamang tanggapin ang regalo kung ibinigay ito bilang pasasalamat sa naibigay na serbisyo.

Hindi naman kasi aniya tinutukoy ng pangulo ang manghingi ng regalo bago gawin ang isang trabaho.

Malinaw din aniya na dapat ay nominal value o maliit na halaga at token lamang ang tatanggaping regalo.

Dapat din aniyang tiyakin na walang korupsyon o hindi padulas ang regalo.

 

TAGS: huwag palakihin, pagtanggap, pasasalamat, Presidential spokesman Salvador Panelo, regalo, serbisyo, huwag palakihin, pagtanggap, pasasalamat, Presidential spokesman Salvador Panelo, regalo, serbisyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.