Construction worker patay sa pananaksak sa Caloocan

By Rhommel Balasbas August 13, 2019 - 04:52 AM

Patay ang isang construction worker at sugatan ang kasamahan nito matapos silang pagsasaksakin ng kainuman sa Phase 7, Package 11, Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police chief Pol. Col. Noel Flores, kinilala ang nasawi na si Jun Recto at ang nasugatan ay nakilalang si Rudy Almonia, parehong construction worker.

Nag-iinuman lamang umano ang mga biktima kasama ng ilang kapitbahay sa bahay ng suspek na nakilala sa alyas na ‘Jayson’.

Pero nagkaroon ng pagtatalo si Jayson at ang mga kainuman.

Pumasok sa bahay si Jayson pero sinundan pa nina Recto at Almonia at dito na sila pinagsasaksak.

Dead-on-arrival sa ospital sa pagamutan si Recto.

Hawak na ng pulisya ang suspek matapos kusang sumuko sa baranggay.

 

TAGS: caloocan city, construction worker, kainuman, pagtatalo, patay sa pananaksak, caloocan city, construction worker, kainuman, pagtatalo, patay sa pananaksak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.