Singapore magpapatupad ng total ban sa bentahan ng elephant ivory sa 2021
Magpapatupad ng total ban sa domestic sale ng elephant ivory ang Singapore sa 2021.
Ito ay bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa illegal wildlife trade.
Kahapon, araw ng Lunes, inanunsyo ng National Parks Board ng Singapore ang ban sa pagbebenta ng elephant ivory kasabay ng paggunita sa World Elephant Day.
Noong nakaraang buwan lamang, nasasam ng mga awtoridad sa Singapore ang pinakamalaking kontrabando ng ‘tusks’ o pangil mula sa 300 African elephants na tinatayang nagkakahalaga ng $12.9 million.
Idinaan sa Singapore ang illegal cargo na ipadadala sana sa Vietnam mula Democratic Republic of the Congo.
Dalawang taon nang nagkaroon ng serye ng konsultasyon sa pagitan ng non-government groups, ivory retailers at publiko hinggil sa bentahan ng elephant ivory.
Simula September 1, 2021, bawal na ang bentahan ng elephant ivory and products.
Ang mga lalabag ay ikukulong hanggang sa isang taon at pagbabayarin ng kaukulang multa.
Marami ang nagnanais sa elephant ivory dahil nagagamit ito sa paggawa ng fashion items tulad ng suklay, pendants at iba pang uri ng alahas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.