Serena Williams malabo na sa US Open dahil sa injury

By Len Montaño August 13, 2019 - 04:44 AM SHARE(S):
AFP photo

Emosyunal na tinanggap ni tennis star Serena Williams na malabo na ang pagpasok niya sa US Open dahil sa injury.

Pwersadong hindi itinuloy ni Williams ang paglalaro sa WTA Toronto final makalipas ang 4 na laro.

Ito ay matapos na dumanas ang player ng back spasms.

Dahil dito ay napunta ang titulo sa Canadian teenager na si Bianca Andreescu.

Lamang ang kalaban ng 3-1 nang magdesisyon si Williams na hindi na niya maitutuloy ang laro.

Ilang oras na sumailalim sa treatment si Williams bago ang laban para mawala ang back spasms na una nitong naramdaman noong manalo siya sa semi-final.

Sa gitna ng laro kontra kay Andreescu ay tumawag si Williams ng medical timeout pero sa loob ng 1 minuto ay inanunsyo ng umpire na hindi na ito tutuloy.

Ayon kay Williams, lumalala ang kanyang back spasms at dumating na sa punto na hindi na siya makatulog at makagalaw.

 

TAGS: back spasms, Bianca Andreescu, injury, Serena Williams, US Open, WTA Toronto, back spasms, Bianca Andreescu, injury, Serena Williams, US Open, WTA Toronto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.