Hong Kong Airport umaasa ng balik operasyon Martes ng umaga

AP photo

Target ng Hong Kong Airport na bumalik na sa kanilang operasyon ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa Airport Authority, nais nilang mag-resume ang mga flights alas 6:00 ng umaga ngayong August 13.

Nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga business partners nito para agad maibalik ang paliparan sa normal na operasyon.

Mahigit 2 buwan na ang malawakang protesta sa Hong Kong kaugnay ng democratic reforms at hiwalay na imbestigasyon sa ginagawa ng mga pulis.

Sa ngayon ay nasa daan-daan pa rin ang nagprotesta sa loob ng airport.

Pero kumaunti na ang mga tao dahil marami na ang nag-uwian.

 

 

 

 

 

 

Read more...