Hong Kong Airport umaasa ng balik operasyon Martes ng umaga

By Len Montaño August 13, 2019 - 04:27 AM

AP photo

Target ng Hong Kong Airport na bumalik na sa kanilang operasyon ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa Airport Authority, nais nilang mag-resume ang mga flights alas 6:00 ng umaga ngayong August 13.

Nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga business partners nito para agad maibalik ang paliparan sa normal na operasyon.

Mahigit 2 buwan na ang malawakang protesta sa Hong Kong kaugnay ng democratic reforms at hiwalay na imbestigasyon sa ginagawa ng mga pulis.

Sa ngayon ay nasa daan-daan pa rin ang nagprotesta sa loob ng airport.

Pero kumaunti na ang mga tao dahil marami na ang nag-uwian.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Balik Operasyon, democratic reforms, flights, hong kong airport, Martes ng umaga, protesta, resume, Balik Operasyon, democratic reforms, flights, hong kong airport, Martes ng umaga, protesta, resume

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.