DOH: Walang bagong strain ng dengue sa bansa
Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang mga ulat na may bagong strain ng dengue virus sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na hindi inanunsyo ng isang DOH official o maging ng kalihim na may bagong strain ng dengue virus.
“The issue on the new strain of dengue virus circulated as a result of a misquoted DOH official. Neither the DOH official nor the Secretary of Health mentioned a new strain of dengue virus,” ayon sa DOH.
Sa ngayon nanatili sa apat ang dengue strains sa bansa – ang DENV-1, DENV-2, DENV-3, at DENV-4.
Nauna nang sinabi sa isang panayam ni Health Undersecretary Eric Domingo na ang DENV-1 at DENV-2 ang ‘common’ strain ng dengue sa nakalipas na mga taon.
Ngayong 2019, ang ‘predominant’ strain ay ang DENV-3 na posibleng dahilan umano ng pagtaas ng kaso dahil marami ang hindi immune dito.
“Those who got infected with Dengue 1 and 2 acquired lifetime immunity from these types of strains. Now that Dengue 3 is predominant, many people are not immune to it so we see many cases,” ani Domingo.
Ang DENV-3 at DENV-4 ay may kadalasang sintomas na lagnat, muscle pains, pagsakit ng ulo, kawalan ng gana kumain, pagsusuka at pagdurumi.
Ang DENV-1 naman ay nagdudulot ng sakit sa ilalim ng mata habang ang DENV-2 ay kadalasang nagdudulot ng pagdurugo ng ilong at pagsusuka na may kasamang dugo.
Magugunitang nagdeklara na ng national dengue epidemic ang DOH sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.