Pagkamatay ng batang babae sa Bulacan dahil sa stray bullet, kinundina
Mariing kinondena ng Department of Health o DOH ang pagkamatay ng isang siyam na taong gulang na batang babae matapos tamaan ng ligaw na bala.
Muling apela ni Health Secretary Janette Garin sa mga may-ari ng baril, iwasan ang indiscriminate firing sa pagsalubong ng Bagong Taon at maging responsableng gun owners.
Batay sa ulat, ang batang babae ay naglalaro lamang sa bahagi ng Ipo Dam sa Bulacan nang tamaan ng stray bullet noong December 24.
Ayon sa nanay ng bata, umuwi ang kanyang anak sa kanilang bahay na dumudugo na ang likod na bahagi ng katawan.
Gayunman, inakala ng ina na nagtamo lamang ng sugat ang kanyang anak mula sa paglalaro, at hindi naisip na timaan na pala ang bata ng ligaw na bala.
Kinabukasan, o araw ng Pasko, lumala raw ang kundisyon ng bata at dinala sa ospital, subalit huli na ang lahat dahil nasira na ang internal organs nito partikular ang atay at bato.
Mula kahapon (December 28), aabot na sa 111 firecracker related cases ang nairekord ng DOH, habang umakyat na sa tatlo ang kaso ng indiscriminate firing, kabilang ang confirmed death ng batang babae sa Bulacan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.