Giit ng CSC, labag sa batas kung tatanggap ng regalo ang opisyal o empleyado ng pamahalaan kabilang ang mga pulis.
Pahayag ito ng ahensya kasunod ng sinabi ni Pangulog Rodrigo Duterte na walang problema sa kanya kung tumanggap ng regalo ang pulis bilang pasasalamat sa kanilang nagawa.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, may batas na nagbabawal sa mga pulis na tumanggap ng regalo.
Binanggit nito ang Republic Act 6173 o “Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees” at ang Republic Act 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act.”
Bukod dito anya ay mayroong memorandum circular ang Department of Interior and Local Government (DILG) noong 2016 na nagbabawal sa pagtanggap ng regalo kung ito ay ibinigay kapalit ng ginawang trabaho.