Oil price rollback epektibo na

Epektibo na ngayong Martes ang bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa anunsyo ng lahat ng kumpanya ng langis, P1.10 ang bawas sa kada litro ng diesel habang P0.50 sa kada litro ng gasolina.

Ang Petron, Flying V, Shell at Caltex naman ay may rollback na P1.30 sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Noong Sabado at Linggo, una nang nagpatupad ng bawas-presyo ang Phoenix Petroleum at Cleanfuel.

Alas-12:01 naman ng madaling araw ngayong Martes epektibo ang sa Caltex na susundan ng lahat ng natitirang kumpanya ng langis alas-6:00 ng umaga.

 

Read more...