Marian Rivera nagkaroon ng ‘intimate celebration’ ng 35th birthday

By Len Montaño August 13, 2019 - 02:20 AM SHARE(S):
Screengrab of dyzsuperfan IG video

Simple, tahimik at “intimate” ang naging selebrasyon ni Kapuso primetime queen Marian Rivera-Dantes ng kanyang ika-35 na kaarawan kahapon August 12.

Ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes ang nag-organize at naging punong abala sa birthday party.

Kasama ng aktres sa kanyang kaarawan ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nagpasalamat naman si Marian sa anyay pasabog ng kanyang mister sa kanyang birthday.

Hindi naman nagpahuli ang mga anak nina Marian at Dingdong lalo na si Ate Zia na kasama sa pag-blow ng cake habang si Baby Ziggy ay tahimik lang na hawak ng ina.

Ang kaarawan ni Marian ang nagtapos sa ilang linggong selebrasyon sa pamilya Dantes.

Nagsimula ito sa binyag ni Ziggy noong July 28 at noong August 2 ay naunang nagdiwang ng kanyang kaarawan si Dingdong.

 

View this post on Instagram

 

Makisabay po tayong lahat kay Daddy D sa pagkanta at pagbati ng isang maligaya at pinagpalang kaarawan sa nag-iisang reyna at ilaw ng tahanan ng #TheDantesSquad at sa pinakamamahal nating si @marianrivera-Dantes!!! We pray for God’s guidance in all your ways and may He blessed and grant all your heart’s desires! A blissful 25th birthday to you 👸!!! 😜😁😘💖💐🎉🎂🥳🎈 #MarianRivera #DingdongDantes #MariaLetiZia #JoseSiXto 📹 from @mikatalusan’s IGS ❤️

A post shared by 🅂🅃🅁🄰🄽🄳🄴🄳 🦋🌻❤️ (@dyzsuperfan) on Aug 11, 2019 at 7:19pm PDT

 

View this post on Instagram

 

Special day, special person and special celebration. May all your dreams and desires be granted. Happy birthday @marianrivera-dantes!!! 🥳🎂🎉🥰💐🎈 #MarianRivera-Dantes #DingdongDantes #MariaLetiZia #TheDantesSquad Videos courtesy of @ramsdavid86, @yong.studio and @bambbifuentes

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics) on Aug 11, 2019 at 11:11pm PDT

TAGS: 35th birthday, Dingdong Dantes, intimate, Marian Rivera, pasabog, Zia, Ziggy, 35th birthday, Dingdong Dantes, intimate, Marian Rivera, pasabog, Zia, Ziggy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.