Simpatya at parangal mula sa Senado para kay Letty Jimenez-Magsanoc
Naghain na ng resolusyon si Senate President Franklin Drilon para ipahayag ang pakikisimpatya ng Senado sa pamilya ng namayapang si Philippine Daily Inquirer o PDI Editor in Chief Letty Magsanoc.
Sa resolusyon ni Drilon, binibigyang-pugay nito si Magsanoc sa dalawampu’t apat na taon na paninilbihan sa PDI bilang resolute leader at generous mentor sa mga kasamahan sa trabaho.
Dahil sa kontribusyon ni Magsanoc sa Philippine journalism, nanalo ito ng international awards gaya ng:
• “The Star of Asia”, 25 Business Week International Magazine (2000)
• “Marcelo del Pilar Journalism Award for Print”, Rotary Club of Manila (2000)
• “60 Years of Asian Heroes”, Time Magazine International (2006)
• “Journalist of the Year”, 19th Rotary Club of Manila Journalism Awards (2015)
I-aadopt ng Mataas na Kapulungan ang resolusyon ni Drilon sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa January 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.