Bilang ng nagkasakit ng dengue sa Metro Manila lampas na sa 10,000
Lampas na sa alert treshold ang kaso ng dengue sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Health (DOH), hanggang noong August 3 ay nasa 10,349 na ang nagkasakit ng dengue sa National Capital Region (NCR).
Dahil dito, muling pinaalala ng DOH ang pagsasagawa ng mga hakbang kontra dengue.
Kabilang ang 4S na ang ibig sabihin ay search and destroy, self-protection, seek early consultation at say yes to fogging.
Paliwanag ng ahensya, hindi ito magiging epektibo kung hindi makikiisa ang lahat.
Iginiit ng DOH-NCR na ang paglaban sa dengue ay nangangailangan ng partisipasyon ng buong komunidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.