Rape suspect patay matapos mang-agaw ng baril ng pulis sa Maguindanao

By Len Montaño August 13, 2019 - 01:15 AM

Contributed photo

Patay ang isang suspek sa kasong rape at murder nang mang-agaw ito ng baril ng babaeng pulis sa istasyon ng pulisya sa Parang, Manguindanao.

Kinilala ang suspek na si Mohamand Akmad, 46 anyos, residente ng Barangay Manion at may kasong rape at murder.

Sa loob ng police station habang kinukunan ng mugshot ang suspek ay inagaw nito ang baril ng isang babaeng pulis.

Ayon kay Lt. Col. Ibrahim Jambiran, Parang Police chief, pagka-agaw sa baril ay binaril ng suspek ang hindi pinangalanang babaeng pulis.

Habang papatakas ay namaril pa umano ng ibang pulis si Akmad, dahilan para gumanti ng putok ang otoridad at napatay ang suspek.

Hindi na umabot ng buhay ang suspek nang dalhin sa ospital habang ligtas na ang binaril nitong pulis.

 

TAGS: babaeng pulis, dead on arrival, maguindanao, mugshot, Murder, namaril, nang-agaw ng baril, parang, rape, suspek, babaeng pulis, dead on arrival, maguindanao, mugshot, Murder, namaril, nang-agaw ng baril, parang, rape, suspek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.