‘Hello, Love, Goodbye’ patuloy sa pagtabo sa takilya

By Angellic Jordan August 12, 2019 - 11:49 PM SHARE(S):

Patuloy ang pagtabo sa takilya ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ayon sa Star Cinema, film production ng ABS-CBN network, umabot na ang kita nito sa mahigit P505 million hanggang Lunes ng hapon.

Mahigit dalawang linggo nang pinapalabas sa mga sinehan ang nasabing romantic film.

Ang Kathryn-Alden movie ay sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Ito ang unang pagkakataon na nagtambal sina Kathryn at Alden na mula sa magkahiwalay na TV networks.

 

TAGS: ABS-CBN, ALden Richards, Direk Cathy Garcia-Molina, Goodbye, Hello, Kathryn Bernardo, Love, P505 million, Star Cinema, tabo sa takilya, ABS-CBN, ALden Richards, Direk Cathy Garcia-Molina, Goodbye, Hello, Kathryn Bernardo, Love, P505 million, Star Cinema, tabo sa takilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.