Malakanyang ayaw makialam sa nais ni De lima na mabisita ang may sakit na ina

Hahayaan na lamang ng Palasyo ng Malakanyang ang korte na magpasya sa hirit ni Senador Leila de Lima na pansamantalang makalabas ng kulungan sa PNP Custodial Center para mabisita ang may sakit na ina na nakaratay sa ospital sa Iriga City sa Camarines Sur.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naging ugali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makialam sa kaso ninuman.

Ipauubaya na aniya ng Palasyo sa Department of Justice (DOJ) dahil sila ang may hawak ng kaso.

Mas makabubuti aniya na hindi na mag komento ang Palasyo sa naturang usapin sa pangambang iba ang maging pakahulugan ng iba.

Si De Lima ay isa sa mga kritiko ni Pangulong Duterte at nakakulong sa Camp Crame dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.

Read more...