DOT: Dumating na mga dayuhang turista sa unang 6 na buwan ng 2019 dumami

File photo

Tumaas ang naitalang foreign tourist arrival sa bansa sa kalagitnaan ng 2019, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sa tala, umabot sa kabuuang 4,133,050 na dayuhang turista ang dumating sa bansa mula buwan ng Enero hanggang Hunyo.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na naabot ang target na 4 million tourist arrivals ng gobyerno sa unang anim na buwan ng taon.

Mas mataas ito kumpara sa 3.7 million na record sa kaparehong panahong taong 2018.

Nakatulong aniya sa turismo ng bansa ang mas maayos at nadagdagang koneksyon sa pamamagitan ng mga bagong ayos at pinalawak na paliparan sa bansa.

Naengganyo rin aniya kasi ang mga dayuhan sa mga inilabas na promosyon sa mga hindi pa sikat na tourist destination sa bansa.

Pinakamaraming dumating na turista sa Pilipinas ay mula sa South Korea.

Sinundan ng China, Estados Unidos, Japan at Taiwan.

 

Read more...