P1.08B ire-refund ng Meralco sa mga customers

By Len Montaño August 12, 2019 - 09:56 PM

Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na i-refund sa mga customers ang P1.08 billion na sobrang singil dahil sa maling kwenta ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) mula June 2018 hanggang May 2019.

Sa kwenta ng ERC, nasa P.40 ang inisyal na maaaring refund ngayong buwan ng Agosto.

Bilang pagtalima, agad namang ibabalik ng Meralco ang sobrang singil sa pamamagitan ng bawas-singil sa generation charge.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, matapos ang kanilang computation ay ipapatupad nila ang refund sa bawat customer.

Pero nilinaw naman ng kumpanya, kumukuha lamang sila ng kuryente sa spot market kaya hindi sa kanila napunta ang sobrang singil.

Kung anuman anya ang sinisingil kapag bumibili ang Meralco ng kuryente ay batay sa kwenta ng wholesale electricity spot market (WESM) na pinapatakbo ng PEMC.

Ayon sa ERC, mahigit P1.4 billion ang refund sa buong Luzon at Visayas.

Malaking bahagi nito o 77 percent na katumbas ng P1.08 billion ang kailangang ibalik ng Meralco sa kanilang customers.

Samantala, inutos din ng ERC sa PEMC ang pagsasauli ng P371 million sa mga electric cooperative, distribution facilities at kanilang mga consumers.

 

TAGS: Bawas-singil, customer, erc, generation charge, Joe Zaldarriaga, Meralco, PEMC, refund, sobrang singil, WESM, Bawas-singil, customer, erc, generation charge, Joe Zaldarriaga, Meralco, PEMC, refund, sobrang singil, WESM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.