North bound ng T.M.Kalaw, pansamantalang sarado sa motorista

By Ruel Perez December 29, 2015 - 08:59 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Pansamantalang isinara sa mga motorista ang kahabaan ng T.M. Kalaw hanggang P. Burgos northbound lane ngayon umaga.

Nagsasagawa kasi ng dress rehearsal para sa paggunita ng ika-119 na anibersaryo ng kamatayan o ang ginagamit nila ay kabayanihan ni Dr Jose Rizal bukas, December 30.

Nakapwesto sa harap ng flag pole ang mga sundalo mula sa Philippine Army, habang tumutugtog naman ang banda sa Philippine Navy.

Habang nakaposte naman ang mga miyembro ng Philippine Marines sa gagawing wreath-laying ceremony bukas.

Mayroon din pagpapalipad ng mga bagong eroplano o fly-by ng Philippine Airforce bilang pagpupugay sa pambansang bayani.

Magiging bahagi rito ang bagong mga FA-50PH bulldog aircraft na galing Korea, at sa katunayan at dalawa na ang dumating mula sa labing dalawang nabili ng Armed Forces of The Philippines o AFP ngayong taon at inaasahang makukumpleto ang delivery sa 2017.

Pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang selebrasyon bukas kasama si Manila Mayor Joseph Estrada.

 

rizal

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dr. Jose Rizal, Rizal Day, Dr. Jose Rizal, Rizal Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.