Kabataan Partylist handang mamagitan sa mga magulang at mga recruit ng Anakbayan

By Erwin Aguilon August 12, 2019 - 08:03 PM

Inquirer photo

Handa si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na mamagitan para makapag-usap ang mga magulang at kanilang mga anak na sinasabing na recruit sa mga unibersidad at sumama sa mga makakaliwang grupo.

Sinabi ni Elago na susuportahan niya ang mga magulang sa pamamagitan ng pag-oorganisa o pagtatakda sa isang lugar kung saan maaring makapag dayalogo sa pagitan ng kanilang mga anak.

Sa ganitong paraan anya ay malayang maihahayag ng mga anak ang kanilang mga mensahe sa kanilang mga magulang.

Sa kabila nito nanindigan naman si Elago na walang masama sa “legitimate organized groups” na mag-recruit ng mga estudyante at iginiit na iba ito sa recruitment ng mga menor de edad na sumali sa armed groups.

Nagbanta din ang kongresista laban sa panukalang pagpasok ng mga pulis sa college campuses para madiscourage ang recruitment ng mga makakaliwang grupo.

Banta ni Elago maaring mag-resulta ang hakbang na ito sa panunupil ng mga tutol na estudyante at mga guro.

Ang hakbang ng kongresista ay ginawa matapos ang hearing ni Senador Bato dela Rosa kaugnay sa umano’y recruitment ng mga menor de edad mula sa mga kolehiyo at universidad kung saan sa ginanap na pagdinig ay nagreklamo ang mga magulang ng mga narecruit ng umano’y makakaliwang grupo.

TAGS: Anakbayan, dela rosa, elago, Kabataan Partylist, Senate, Anakbayan, dela rosa, elago, Kabataan Partylist, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.