Mamahaling regalo bawal pa rin sa mga tauhan ng gobyerno

By Chona Yu August 12, 2019 - 07:54 PM

Nilinaw ng Malacanang na hindi maaring tanggapin ng mga pulis o ng iba pang mga empleyado ng gobyerno ang mga regalo na may malalaking halaga.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tanging ang mga regalo lamang na mayroong nominal value o maliliit na halaga ang maaring tanggapin na regalo basta’t siguraduhin lamang na hindi ito hiningi kapalit ng isang uri ng serbisyo.

Malinaw naman aniya ang nakasaad sa batas na exempted ang mga regalong may maliliit na halaga.

Masyado na aniyang malaki kung house and lot o kotse ang ireregalo.

Nanindigan pa si Panelo na hindi na kailangan na magtakda ang palasyo ng guidelines para sa nominal value dahil batid na ng bawat isa kung ano ang regalo na may maliit o malaking halaga./ Chona

 

 

TAGS: duterte, gift, panelo, PNP, duterte, gift, panelo, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.