China dapat hingan ng paliwanag ni Pangulong Duterte sa presensya ng mga barko sa loob ng Pilipinas – Sen. Drilon
Nagpahayag ng kanyang pagka-alarma si Senate Minority Leader Frank Drilon sa presensiya ng mga barko ng China sa loob teritoryo ng Pilipinas.
Aniya sa pagbalik sa China ni Pangulong Duterte nararapat lang na hingiin nito ang paliwanag ni Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Drilon, lubha nang nakakabahala na parami nang parami na ang mga Chinese vessels sa loob ng ating bansa at dapat aniya ay mag-imbestiga na rin ang Senado.
Pagdiin ng senador, ang mas nagdudulot ng pangamba ay maging ang gobyerno ay hindi alam kung ano ang ginagawa ng mga barko ng China sa Pilipinas.
Pinuri naman nito ang paninindigan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, na unang nagbunyag ukol sa dalawang Chinese survey ships sa loob ng bansa kayat muling naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.