Simpleng katiwalian sa mga pulis nakaka-adik ayon kay Sen. Lacson

Sa pahayag ni Pangulong Duterte sa mga pulis na okay lang sa kanya kung tumanggap ang mga ito ng regalo sa taumbayan at sa ilegal na sugal, ipinaalala ni Senator Panfilo Lacson na ang kasakiman ay nagsisimula sa maliit na paggawa ng katiwalian.

Sinabi pa nito mas nakaka-adik ito kumpara sa droga at aniya walang rehab center para sa mga nagumon na sa pera.

Samantala, naniniwala naman si Sen. Francis Pangilinan na sa naging pahayag ni Pangulong Duterte at lalong aabuso at mangungurakot ang ilang pulis.

Nangangamba ito na na darating ang araw na wala ng kikilos na pulis kung walang padulas at maaring kumiling na lang sila sa mga pagbibigay ng padulas.

Tinawag ni Pangilinan na ‘pamaskong handog policy’ ang sinabi ni Pangulong Duterte at panawagan naman niya sa mga pulis na huwag sundin ang ilegal ng kanilang pinuno.

Read more...