Pangmatagalang kapayapaan hiling ni Deputy Speaker Legarda kasabay ng paggunita ng Eid’l Adha

By Erwin Aguilon August 12, 2019 - 12:43 PM

INQUIRER File
Pagiging pantay na pagtingin sa mga Muslim ng sambayanan ang inaasahan ni House Deputy Speaker Loren Legarda ngayong umiiral na ang Bangsamoro Organic Law.

Sa kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice, hiling ni Legarda ang tunay at pangmatagalang kapayapaan at seguridad hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong bansa.

Ang layunin aniya ng batas ay maghatid ng mas magandang social at economic opportunities sa mga Muslim.

Hinimok rin ni Legarda ang lahat na pagnilayan ang kahulugan ng pagdiriwang ngayong araw anuman ang relihiyon at paniniwala.

Isa ang mambabatas sa co-authors ng Republic Act 9849 na nagdedeklara sa Eid’l Adha bilang isang national holiday.

Ginugunita rito ang pagsasakripisyo ni propeta Ibrahim sa kanyang sariling anak na maituturing na matinding debosyon kay Allah.

TAGS: Eid'l Adha, loren legarda, peace and order, RA 9849, Eid'l Adha, loren legarda, peace and order, RA 9849

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.