Pondo para sa government strategic communication academy aprubado na ng DBM

Pinaglaanan na ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) ang hiling ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na magkaroon ng Government Strategic Communications Academy o Training Facility.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, may go signal na ang DBM para maisama sa 2020 budget proposal ang kanilang hiling sa palikha ng Government Strategic Communications Academy.

Gayunman, hindi tyinukoy ni andanar kung magkanong halaga ang ibibigay ng DBM.

Sa ilalim ng programa, magkakaroon ng communication strategy ang lahat ng information officers mula sa national government hanggang local government pati na sa mga barangay.

May sariling radio at TV station ang Government Communication Academy gayundin ng sariling news agency at sariling social media desk ang Academy na ilalagay sa Bukidnon.

Read more...