Miyembro ng Muslim community sa Baguio City nagbantay sa entrance ng Baguio Cathedral

By Jimmy Tamayo August 12, 2019 - 12:36 PM

CREDIT: Baguio City PIO
Nagboluntaryo ang mga miyembro ng Muslim community para magbantay sa entrance ng Baguio Cathedral.

Sa gitna ito ng bantang pag-atake ng ISIS-inspired group sa nasabing simbahan.

Sa kabila ng pag-ulan araw ng linggo ay hindi natinag ang mga miyembro ng Muslim community sa pangunguna ni Imam Samsodin Monib at Imam Joel Omar para bantayan ang simbahan habang ginaganap ang misa sa loob ng cathedral.

Nagpasalamat naman si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa nasabing grupo kasabay ng panawagan sa mga mamamayan ng lungsod na maging mapagmatyag at maging alerto sa anumang kahina-hinalang kilos.

TAGS: baguio city, ISIS, Muslim Community, Radyo Inquirer, threath, baguio city, ISIS, Muslim Community, Radyo Inquirer, threath

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.